Lunes, Abril 1, 2013

Western




         Ang kapitalismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na nakabatay sa malayang kalakalan at pagbukas ng komunikasyon. Makikita ang sistemang ito sa bawat bansa na meron ang ating daigdig. Ang sistemang ito ay sa pamamagitan ng pag ikot kita ng isang negosyo sa pamamagitan ng paggawa ng produkto at pagdistribute ng mga ito. Ang mga nag mamayari ng mga negosiyong ito ay matatawag nating kabilang sa grupo ng mga kapitalismo.

         Ang kapitalismo ay isang “sign” na ang isang bansa ay nagakakaruon ng isang progresso dahil maraming mga negosyante ang naglalabas ng pera upang makapagtayo ng negosyo at magkakaroon ng pagkakakitaan. Walang masama sa pagtatayo ng isang negosyo hanga’t naayon ito at walang naagrabiyado.

         Lupa, Marahil ang lupa ay natatapakan at dinadaandaanan lang natin. Ngunit sa ating bansa, Maraming mga tao ang tumuturing sa Lupa na tila ginto. Ito na ang mga Negosyante na ang pangunahin negosyo ay agricultura at siyempre sa mga magsasaka. Sa Industriya ng agricultura, makikita agad natin ang Kapitalismo. Dahil dito saating bansa, kadalasan nakikita natin ang malalawak na sakahan lalong lalo na kapag ikaw ay nagagawi sa SCTEX. Makikita natin na halos di mahulugang karayum na dami ng magsasaka na may kanya kanyang area ng pinag sasakahan, ngunit nakakalungkot mang malaman na ang kanilang sinasakahan na kinukuhanan nila ng pamumuhay ay hindi sakanila.

         Kahit na tayo ay mayroong Land Reform sa Pilipinas upang mabigyan ng karapatan ang mga magsasakang magkaroon ng sarili nilang lupa, tila nababale wala ito at nanatili parin silang nagbibigay ng serbisyo sa mga mayayamang negosyanteng nag mamay ari ng mga lupaing kanila sinasakahan o kinukuhanan ng ikinabubuhay.

         Iisa lamang ito sa aking nakikita hindi kaayaaya sa kapitalismo. Ito ay sa pagkakaroon ng mga taong nakakawawa at nakukuhanan ng advantage imbis na umangat at kahit papaano ay guminhawa sa buhay. Ngunit kung ating iisipin, Maganda nga naman ang ipekto ng kapitalismo para sa ating bansa at sa ibang bansa narin upang umunlad. Pero satingin ko ay may solusyo  naman jan. ito ay sa paggawa at pagpapalakas ng mga batas na uukol sa kapitalismo ang gubyerno na magkakapagpabuti sa pamumuhay ng lahat ng mga Pilipino dito saating bansa.