Ang kapitalismo ay isang sistemang
pang-ekonomiya na nakabatay sa malayang kalakalan at pagbukas ng komunikasyon.
Makikita ang sistemang ito sa bawat bansa na meron ang ating daigdig. Ang
sistemang ito ay sa pamamagitan ng pag ikot kita ng isang negosyo sa
pamamagitan ng paggawa ng produkto at pagdistribute ng mga ito. Ang mga nag
mamayari ng mga negosiyong ito ay matatawag nating kabilang sa grupo ng mga
kapitalismo.
Ang kapitalismo ay isang “sign” na ang
isang bansa ay nagakakaruon ng isang progresso dahil maraming mga negosyante
ang naglalabas ng pera upang makapagtayo ng negosyo at magkakaroon ng
pagkakakitaan. Walang masama sa pagtatayo ng isang negosyo hanga’t naayon ito
at walang naagrabiyado.
Lupa, Marahil ang lupa ay natatapakan
at dinadaandaanan lang natin. Ngunit sa ating bansa, Maraming mga tao ang
tumuturing sa Lupa na tila ginto. Ito na ang mga Negosyante na ang pangunahin
negosyo ay agricultura at siyempre sa mga magsasaka. Sa Industriya ng
agricultura, makikita agad natin ang Kapitalismo. Dahil dito saating bansa,
kadalasan nakikita natin ang malalawak na sakahan lalong lalo na kapag ikaw ay
nagagawi sa SCTEX. Makikita natin na halos di mahulugang karayum na dami ng
magsasaka na may kanya kanyang area ng pinag sasakahan, ngunit nakakalungkot
mang malaman na ang kanilang sinasakahan na kinukuhanan nila ng pamumuhay ay
hindi sakanila.
Kahit na tayo ay mayroong Land Reform
sa Pilipinas upang mabigyan ng karapatan ang mga magsasakang magkaroon ng
sarili nilang lupa, tila nababale wala ito at nanatili parin silang nagbibigay
ng serbisyo sa mga mayayamang negosyanteng nag mamay ari ng mga lupaing kanila
sinasakahan o kinukuhanan ng ikinabubuhay.
Iisa lamang ito sa aking nakikita hindi kaayaaya sa kapitalismo. Ito ay sa pagkakaroon ng mga
taong nakakawawa at nakukuhanan ng advantage imbis na umangat at kahit papaano ay guminhawa sa buhay. Ngunit
kung ating iisipin, Maganda nga naman ang ipekto ng kapitalismo para sa ating bansa at sa ibang bansa narin upang umunlad. Pero satingin
ko ay may solusyo naman jan. ito ay sa paggawa at pagpapalakas ng mga batas na uukol sa kapitalismo ang gubyerno na magkakapagpabuti sa pamumuhay ng lahat ng mga
Pilipino dito saating bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento