Linggo, Marso 31, 2013

Rasismo



Ano nga ba ang Rasismo?

 Ayon sa diksyonaryo, Ang rasismo ay ang paniniwala na ang lahi ang pangunahing tumutukoy sa katangian at kakayahan ng isang tao at ang pagkakaiba ng lahi ang nagbibigay ng likas na pangingibabaw ng isang partikular na lahi.


Para saakin, Ang kulay, cultura o lahi ng isang tao ay hindi hadlang upang siya ay akin pintasan. Bastat ang kanyang mga pangunahin aspeto ay makatao, tao ka para saakin. Basta ang isang tao ay nakikisalamuha sa ibang tao, kahit ano ka pamanan ikaw ay tao. Tayo ay pinanganak na iba iba man ang kulay ngunit tayon lahat ay pinanganak na may isip at puso sa bawat isa. Kaya naman hindi hadlang ang lahi, kulay o ano pamang sinasabi ng iilan upang humadlang sa iba’t ibang uri nating mga nilalangan. Tayo ay pinanganak na pantay pantay. Nasasatao na yan kung ano ang kanyany “choice” na pipiliin. Ngunit para aakin. Hindi hadlang ang lah o katangian ng isang tao, ang tao ay tao saakin hanga’t siya ay makatao.

NOYPI



                Tayong mga Pilipino ay kilala bilang mga masisipag at matapat na uri ng nilalang. Tayong mga Pinoy ay yung tipong kahit mahirap go lang ng go sa lahat ng bagay hindi sumusuko. At isa pa, hindi natin nakakalimutan ang respeto. Sa simpleng pag gamit ng “po” at Opo” naipapakita nating mga Pilipino ang tradition nating sa pagiging magalang. Iilan lamang ito sa mga traits nating mga Pilipino.





Pero ang higit na ikinararangal ko na trait nating mga Pilipino ay ang hindi natin pag limot sa ating pinangalingan. Kahit sabihin nating sa pag pasok natin sa modernong henerasyon, hindi parin natin nakakalimutan ang kadalasang ating kinagisnan. Mapabagay man o gawain, patuloy parin natin itong ikinararangal. Gaya na ng pagamit ng “tabo”, ang tabo ay ginagamit sa panligo noong araw. Ngunit napansin ko na karamihan parin saating mga Pilipino ay gumagamit parin ng tabo sa ating mga tahanan. Ito ay nakikita ko na simpleng paggamit parin natin sa ating ikinagisnang mga Pilipino. Kahit na karamihan na sa mga banyo ay may shower, madalas parin tayong makakakita ng tabo sa iilang paliguan dito sa ating bansa.


Nakikita ang pagiging Nasyonalismo nating mga Pilipino sa mga simpleng  bagay na ganito. Tayong mga Pilipino ay napakaresourceful. Tayo ay madiskarte, kahit sa hirap ng buhay tayo parin ay gumagawa ng paraan saabot ng ating makakaya.

Sino Nga Ba Ako?



Who you?


“Maputi, chubby, rosy cheeks, maliit, bansot, anak araw, blondy,cute, payat, mukhang foreigner”



                Ito ang kadalasang naririnig ko na tawag at tingin saakin ng iba. Ngunit ano at sino nga ba ako? Para saakin, ang pag kakakilala ko saakin sarili ko. Ako ay isang tao na pag may gusto at alam kong kaya kong gawin ay pinagbubutihan ko ito at tinatapos ko hangang saaking makakaya, ngunit siyempre gaya ng lahat siyempre sa mabuti at tamang pamamaraan. Ngunit sa tingin ko ako ay yung tipo ng tao na oag may pinagawaat hindi ko gusto. Sinasabi ko agad ito, kung baga’y ako ay mapraka ng tao kung naayon sa tawag ng panahon. Pero may mga pagkakataon naman na required ako na gawin ang isang bagay, ginagawa ko parin naman ito at tinatapos sa hanganan ng akin makakaya. Sabi nga nila ‘try and try until you succeed”.

                Para saakin, kahit papaano ako ay naapektohan sa mga ilang commento saakin ng iba. Kapag nakakarinig ako ng commento ng iba at sa palagay ko ay hindi nakakaayon, alam ko sa sarili ko kung  tama o mali ang siansabi nila. Kung tama ito ay hindi ko binabago at mas pinagbubutihan ko ang ugaling iyon. Kapag naman mali, inaako ko at sinusubukan kong baguhin. Ngunit sa kabila ng lahat, wala pa naman akong naririnig na masamang kumento tungkol saakin as of now. Nakakatuwa laman isipin. Ngunit sino nga naman ang iba para baguhin ka kung ano ka? Para saakin ginagawa ko nalamang guide ang mga kumento at “guage” ko kung ano nga ba ako. Bata pa naman ako, “kumbaga marami pa naman akong kakaining bigas”. Kaya naman hindi hindi ko makakalimutan ang isang turo saakin ng aking ama, “ A wise man learn from other people’s mistakes not from his mistakes” tama nga naman, bakit ka gagawa ng isang pag kakamaling pwede mo naman ibase sa maling nagawa ng iba.

Miyerkules, Marso 20, 2013

Cultural Product








         Ang konsepto ng isang Mall ay isang pampublikong lugar kung saan ang lahat ay pwedeng mag ikot, kumain, mag shopping at manuod ng sine. Ang pag tangkilik natin sa mga mall ngayon dito sa ating bansa ay grabe. Kung kaya naman ang pagdami ng mga mall satin bansa ay grabe din. Dahil ang mall ngayon para saating mga Pilipino ay parang nagiging pangalawang tirahan na natin maliban sa iskwelahan.

         Kung kaya naman, dahil sa konsepto nitong isang public place para sa lahat. Naisip ko bigla ang Mall na Rockwell, Power Plant Mall. Ang Rockwell Mall, ayon sa website nito sa internet, ang Rockwell  daw ay “Conveniently tucked away in the verdant "city within a city" that is the Rockwell Center, Power Plant Mall provides a unique and leisurely experience for the discerning shopper. 

Its four-level complex incorporates a mix of specialty brands, both international and local, a supermarket, lifestyle retailers, specialty boutiques, themed restaurants and state-of-the-art cinemas.”

“
Power Plant Mall. Where Fashionable Manila shops.”


        
Kung ating iisipin, Halos karamihan naman sa mall na ito ay meron din sa iilang mga mall dito saating bansa tulad ng Glorietta at SM atbp. Ngunit bakit ko nga ba napili ang mall na Rockwell, Power Plant?

Napili ko ang Rockwell, Power Plant dahil maliban sa napuntahan ko na ito. Ako din ay nakapag ikot ikot na din ako sa iilang mall dito saating bansa. Kung kaya’t aking napuna dito ay ang kanyang pag sira sa konsepto ng isang mall na kung saan ito ay isang pambuliko, ibig sabihin ay para sa lahat. Dahil ako mismo ay nakasaksi sa pagiging “exclusive” nito sa mga maayayaman or sabihin na din nating may kaya. Napuna ko ito sa pagiging mapag masid sa mall na ito kumpara sa iba.




Kapag ikaw ay nag iikot at hindi gaano kaganda ang iyong kutis at lalong lalo na ang iyon porma. Ang isang tao katulad ng aking dinedescribe, pag pumasok sa mall na ito ay kadalasay napag uusapan ng mga tao sa loob ng mall na ito na karamihan ay kabilang sa mga “exclusive at may kaya na sektor” at kung minsa ay napipintasan pa ng mga ito. Mapapnsin natin na nagkaroon ng eletismo sa mall na ito (Rockwell, Power Plant). Nagkaroon ng label ang Rockwell, Power Plant na pang mga mayayaman at may mga kaya lamang. Kung kayat parang nawala ang “essence” ng mall na kung saan ito ay “pampubliko” at sa kasamaang palad ay ang Rockwell ay parang nagin “Pribado” lamang sa mga “priviledge few”.




Post-Colonial


         Kapag narinig ang salitang Pinoy sa larangan ng pagkain, ang agad na pumapasok saating isipan ay kadalasa’y mga lutong bahay. Iilan na dito ang Adobo, Sinigang at Nilaga na kadalasang hilig iluto at kainin nating mga pinoy.

         Ngunit sa pag daan ng panahon at sa pagiging moderno ng ating henerasyon ngayon, pati ang konsepto ng pagkain nating mga pinoy ay tila nag bago narin. Dahil sa patuloy na pagprogreso at pagpapakilala satin sa mga banyagang pagkain, tila tayo ay nagkaroon na ng bagong panlasa.

         Sa pagdating ng mga pagkaing Hamburger, French Fries at pizza, ang ating pananaw sa pagkain ay naging  kasing “instant” sa pagkakalimot ng ating mga traditional na kinakain. Kumbaga, tayong mga Pinoy ay tuluyan ng na “Americanized” dahil sa pagkahilig natin sa pagkain natin ng mga ito.

         Dahil tayo ay minsan naring nasakop ng mga Amerkano, Saaking pananaw, ito na rin ay isang rason at isang paraan na nag impluwensya saatin upang maakit sa mga ito. Dahil karamihan sa mga Pinoy ngayon, ang tingin sa mga banyagang produkto o sabihin na natin American products ay isang “in”.  parabang tayo ay unti-unting na iintroduce na sa “kulturang Amerikano” at naaadap na ito. 

Space and Domain





            Habang kami ay papuntang Laguna, ako’y napaisp na first time ko lamang na makakapunta dito. Agad akong na excite sa kung ano ang aking makikita at matutunan ukol sa kanilang cultura. Maharahil ay dahil na din ito saakin pagiging probinsyano na tungong norte at akoy mapapalakbay sa silangan. 
           
            Habang kami ay palakbay sa silangan, Kami ay unang tumigil sa Paseo, ang paseo basi saakin ibserbasyon ay mayroong  iba’t ibang uri ng tindahan na kahit papaano ay meron din sa iba’t ibang lugar. Ngunit, ang kinaibahan laman nito, Karamihan sa mga tindahan nito ay bagsakan.

            Mga tatak na Nike, Addidas at Bench ang iilan sa makikita dito na karaniwa’y makikita din sa iilang lugar sa ating bansa. Ngunit dahil bagsakan itong Paseo ng mga ganitong tatak. Ang mga presyo nito ay bagsakan din dahil sa ito nga ay isang “factory outlet”. Bagama’t mabababa nga ang presyo, hindi ito gaanon napupuntahan ng karamihan. Dahil itong Paseo ay napakalayo sa mga kabahayan at sabihin na natin syudad. Hindi madali ang pag punta dito. Kailangan ikaw ay may mode of transportation. Kungbaga pasadya ang iyong pag punta dito.

            Mapapansin din sa Paseo na ang design nito ay parang sa ibang bansa. Sabi nga ng ilang aking kamag-aral ay para daw silang nasa bansang Amerika. Napaka ganda at napakalinis daw.

            Ang pangalawang pinuntahan namin ay ang SM Calamba. Dito sa SM Calamba, makikita natin ang tipikal na itsura ng isang SM kung saan para lamang itong “shoe box”. Mapapansin agad dito na papasok palang ay marami ka ng makikita na terminal ng Bus, jeep at taxi stand. Mga indikasyon na welcome ang mga commuter dito. Hindi tulad ng Paseo na aking napuna na may parking na pambribadong mga sasakyan lamang.

            Sa pagpasok ko sa SM Calamba, Napansin ko agad na sobra ang dami ng tao. Hindi tulad ng Paseo na halos iilan lamang ang nandodoon. Dito napansin ko na iba’t iba ang uri ng mga tao dito. Mapapansin agad ang mga may kaya sa mga mayayaman base sa kanilang kasuotan kung saan kadalasan ang mga mayayaman ay nakabranded na kasuat at ang mga may kaya ay halos nakapambahay lamang.

            Mapapansin din sa gitna ay mayroong isang entablado kung saan mayroong isang grupo na karamihan ay may edad na, na nag  aeaerobics. Sa kanilang performance, halos lahat ng tao na nanunuod ay nakabilang sa kasiyahan ng mga matatanda na nag aeaerobics. Mapapansin dito na karamihan sa mga nagiikot sa SM ay naaliw at nanunuod ng aerobics ngunit meron din iilan na halos walang paki at dumadaan na lamang.

            Noong Sumunod na araw, kami naman ay nakiisa sa pagsali at pagoobserb ng isang aerobic performance sa UP Los Banyos. Dito makikita natin na halos lahat ng naroroon ay gusto talagang sumali sa aerobics at makikita din natin na karamihan sakanila ay “Fit”. Napansin ko din dito na mas marami silang routine at mas mahaba ang kanilang aerobics performance kumpara sa aming nasaksihan sa SM calamba.

            Sa huling araw naman naming sa Laguna, Kami ay tumungo sa “Liwliw”. Isang lugar kung saan makikita na tila puro sapatos at tsinelas  ang makikita sa kabilaang paligid nito. Ito ay sa kadahilanang  pangunahing produkto nila ito. Mapapasin din dito na halos wala masyadong banyagang brand maliban nalaman sa aking nakitang itinatayong 7-11 na isang convenient store. Maliban doon halos maari ko ng sabihin na halos ito lamang ang aking napuntahan na may likas na kulturang Pilipino sa probinsya ng Laguna.