Miyerkules, Marso 20, 2013

Cultural Product








         Ang konsepto ng isang Mall ay isang pampublikong lugar kung saan ang lahat ay pwedeng mag ikot, kumain, mag shopping at manuod ng sine. Ang pag tangkilik natin sa mga mall ngayon dito sa ating bansa ay grabe. Kung kaya naman ang pagdami ng mga mall satin bansa ay grabe din. Dahil ang mall ngayon para saating mga Pilipino ay parang nagiging pangalawang tirahan na natin maliban sa iskwelahan.

         Kung kaya naman, dahil sa konsepto nitong isang public place para sa lahat. Naisip ko bigla ang Mall na Rockwell, Power Plant Mall. Ang Rockwell Mall, ayon sa website nito sa internet, ang Rockwell  daw ay “Conveniently tucked away in the verdant "city within a city" that is the Rockwell Center, Power Plant Mall provides a unique and leisurely experience for the discerning shopper. 

Its four-level complex incorporates a mix of specialty brands, both international and local, a supermarket, lifestyle retailers, specialty boutiques, themed restaurants and state-of-the-art cinemas.”

“
Power Plant Mall. Where Fashionable Manila shops.”


        
Kung ating iisipin, Halos karamihan naman sa mall na ito ay meron din sa iilang mga mall dito saating bansa tulad ng Glorietta at SM atbp. Ngunit bakit ko nga ba napili ang mall na Rockwell, Power Plant?

Napili ko ang Rockwell, Power Plant dahil maliban sa napuntahan ko na ito. Ako din ay nakapag ikot ikot na din ako sa iilang mall dito saating bansa. Kung kaya’t aking napuna dito ay ang kanyang pag sira sa konsepto ng isang mall na kung saan ito ay isang pambuliko, ibig sabihin ay para sa lahat. Dahil ako mismo ay nakasaksi sa pagiging “exclusive” nito sa mga maayayaman or sabihin na din nating may kaya. Napuna ko ito sa pagiging mapag masid sa mall na ito kumpara sa iba.




Kapag ikaw ay nag iikot at hindi gaano kaganda ang iyong kutis at lalong lalo na ang iyon porma. Ang isang tao katulad ng aking dinedescribe, pag pumasok sa mall na ito ay kadalasay napag uusapan ng mga tao sa loob ng mall na ito na karamihan ay kabilang sa mga “exclusive at may kaya na sektor” at kung minsa ay napipintasan pa ng mga ito. Mapapnsin natin na nagkaroon ng eletismo sa mall na ito (Rockwell, Power Plant). Nagkaroon ng label ang Rockwell, Power Plant na pang mga mayayaman at may mga kaya lamang. Kung kayat parang nawala ang “essence” ng mall na kung saan ito ay “pampubliko” at sa kasamaang palad ay ang Rockwell ay parang nagin “Pribado” lamang sa mga “priviledge few”.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento