Miyerkules, Marso 20, 2013

Space and Domain





            Habang kami ay papuntang Laguna, ako’y napaisp na first time ko lamang na makakapunta dito. Agad akong na excite sa kung ano ang aking makikita at matutunan ukol sa kanilang cultura. Maharahil ay dahil na din ito saakin pagiging probinsyano na tungong norte at akoy mapapalakbay sa silangan. 
           
            Habang kami ay palakbay sa silangan, Kami ay unang tumigil sa Paseo, ang paseo basi saakin ibserbasyon ay mayroong  iba’t ibang uri ng tindahan na kahit papaano ay meron din sa iba’t ibang lugar. Ngunit, ang kinaibahan laman nito, Karamihan sa mga tindahan nito ay bagsakan.

            Mga tatak na Nike, Addidas at Bench ang iilan sa makikita dito na karaniwa’y makikita din sa iilang lugar sa ating bansa. Ngunit dahil bagsakan itong Paseo ng mga ganitong tatak. Ang mga presyo nito ay bagsakan din dahil sa ito nga ay isang “factory outlet”. Bagama’t mabababa nga ang presyo, hindi ito gaanon napupuntahan ng karamihan. Dahil itong Paseo ay napakalayo sa mga kabahayan at sabihin na natin syudad. Hindi madali ang pag punta dito. Kailangan ikaw ay may mode of transportation. Kungbaga pasadya ang iyong pag punta dito.

            Mapapansin din sa Paseo na ang design nito ay parang sa ibang bansa. Sabi nga ng ilang aking kamag-aral ay para daw silang nasa bansang Amerika. Napaka ganda at napakalinis daw.

            Ang pangalawang pinuntahan namin ay ang SM Calamba. Dito sa SM Calamba, makikita natin ang tipikal na itsura ng isang SM kung saan para lamang itong “shoe box”. Mapapansin agad dito na papasok palang ay marami ka ng makikita na terminal ng Bus, jeep at taxi stand. Mga indikasyon na welcome ang mga commuter dito. Hindi tulad ng Paseo na aking napuna na may parking na pambribadong mga sasakyan lamang.

            Sa pagpasok ko sa SM Calamba, Napansin ko agad na sobra ang dami ng tao. Hindi tulad ng Paseo na halos iilan lamang ang nandodoon. Dito napansin ko na iba’t iba ang uri ng mga tao dito. Mapapansin agad ang mga may kaya sa mga mayayaman base sa kanilang kasuotan kung saan kadalasan ang mga mayayaman ay nakabranded na kasuat at ang mga may kaya ay halos nakapambahay lamang.

            Mapapansin din sa gitna ay mayroong isang entablado kung saan mayroong isang grupo na karamihan ay may edad na, na nag  aeaerobics. Sa kanilang performance, halos lahat ng tao na nanunuod ay nakabilang sa kasiyahan ng mga matatanda na nag aeaerobics. Mapapansin dito na karamihan sa mga nagiikot sa SM ay naaliw at nanunuod ng aerobics ngunit meron din iilan na halos walang paki at dumadaan na lamang.

            Noong Sumunod na araw, kami naman ay nakiisa sa pagsali at pagoobserb ng isang aerobic performance sa UP Los Banyos. Dito makikita natin na halos lahat ng naroroon ay gusto talagang sumali sa aerobics at makikita din natin na karamihan sakanila ay “Fit”. Napansin ko din dito na mas marami silang routine at mas mahaba ang kanilang aerobics performance kumpara sa aming nasaksihan sa SM calamba.

            Sa huling araw naman naming sa Laguna, Kami ay tumungo sa “Liwliw”. Isang lugar kung saan makikita na tila puro sapatos at tsinelas  ang makikita sa kabilaang paligid nito. Ito ay sa kadahilanang  pangunahing produkto nila ito. Mapapasin din dito na halos wala masyadong banyagang brand maliban nalaman sa aking nakitang itinatayong 7-11 na isang convenient store. Maliban doon halos maari ko ng sabihin na halos ito lamang ang aking napuntahan na may likas na kulturang Pilipino sa probinsya ng Laguna.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento