Linggo, Marso 31, 2013

NOYPI



                Tayong mga Pilipino ay kilala bilang mga masisipag at matapat na uri ng nilalang. Tayong mga Pinoy ay yung tipong kahit mahirap go lang ng go sa lahat ng bagay hindi sumusuko. At isa pa, hindi natin nakakalimutan ang respeto. Sa simpleng pag gamit ng “po” at Opo” naipapakita nating mga Pilipino ang tradition nating sa pagiging magalang. Iilan lamang ito sa mga traits nating mga Pilipino.





Pero ang higit na ikinararangal ko na trait nating mga Pilipino ay ang hindi natin pag limot sa ating pinangalingan. Kahit sabihin nating sa pag pasok natin sa modernong henerasyon, hindi parin natin nakakalimutan ang kadalasang ating kinagisnan. Mapabagay man o gawain, patuloy parin natin itong ikinararangal. Gaya na ng pagamit ng “tabo”, ang tabo ay ginagamit sa panligo noong araw. Ngunit napansin ko na karamihan parin saating mga Pilipino ay gumagamit parin ng tabo sa ating mga tahanan. Ito ay nakikita ko na simpleng paggamit parin natin sa ating ikinagisnang mga Pilipino. Kahit na karamihan na sa mga banyo ay may shower, madalas parin tayong makakakita ng tabo sa iilang paliguan dito sa ating bansa.


Nakikita ang pagiging Nasyonalismo nating mga Pilipino sa mga simpleng  bagay na ganito. Tayong mga Pilipino ay napakaresourceful. Tayo ay madiskarte, kahit sa hirap ng buhay tayo parin ay gumagawa ng paraan saabot ng ating makakaya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento