Kapag narinig ang salitang Pinoy sa larangan ng pagkain, ang
agad na pumapasok saating isipan ay kadalasa’y mga lutong bahay. Iilan na dito
ang Adobo, Sinigang at Nilaga na kadalasang hilig iluto at kainin nating mga
pinoy.
Ngunit sa pag daan ng panahon at sa pagiging moderno ng ating
henerasyon ngayon, pati ang konsepto ng pagkain nating mga pinoy ay tila nag
bago narin. Dahil sa patuloy na pagprogreso at pagpapakilala satin sa mga banyagang
pagkain, tila tayo ay nagkaroon na ng bagong panlasa.
Sa pagdating ng mga pagkaing Hamburger, French Fries at
pizza, ang ating pananaw sa pagkain ay naging
kasing “instant” sa pagkakalimot ng ating mga traditional na kinakain.
Kumbaga, tayong mga Pinoy ay tuluyan ng na “Americanized” dahil sa pagkahilig
natin sa pagkain natin ng mga ito.
Dahil tayo ay minsan naring nasakop ng mga Amerkano, Saaking
pananaw, ito na rin ay isang rason at isang paraan na nag impluwensya saatin
upang maakit sa mga ito. Dahil karamihan sa mga Pinoy ngayon, ang tingin sa mga
banyagang produkto o sabihin na natin American products ay isang “in”. parabang tayo ay unti-unting na iintroduce na
sa “kulturang Amerikano” at naaadap na ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento