Linggo, Marso 31, 2013

Sino Nga Ba Ako?



Who you?


“Maputi, chubby, rosy cheeks, maliit, bansot, anak araw, blondy,cute, payat, mukhang foreigner”



                Ito ang kadalasang naririnig ko na tawag at tingin saakin ng iba. Ngunit ano at sino nga ba ako? Para saakin, ang pag kakakilala ko saakin sarili ko. Ako ay isang tao na pag may gusto at alam kong kaya kong gawin ay pinagbubutihan ko ito at tinatapos ko hangang saaking makakaya, ngunit siyempre gaya ng lahat siyempre sa mabuti at tamang pamamaraan. Ngunit sa tingin ko ako ay yung tipo ng tao na oag may pinagawaat hindi ko gusto. Sinasabi ko agad ito, kung baga’y ako ay mapraka ng tao kung naayon sa tawag ng panahon. Pero may mga pagkakataon naman na required ako na gawin ang isang bagay, ginagawa ko parin naman ito at tinatapos sa hanganan ng akin makakaya. Sabi nga nila ‘try and try until you succeed”.

                Para saakin, kahit papaano ako ay naapektohan sa mga ilang commento saakin ng iba. Kapag nakakarinig ako ng commento ng iba at sa palagay ko ay hindi nakakaayon, alam ko sa sarili ko kung  tama o mali ang siansabi nila. Kung tama ito ay hindi ko binabago at mas pinagbubutihan ko ang ugaling iyon. Kapag naman mali, inaako ko at sinusubukan kong baguhin. Ngunit sa kabila ng lahat, wala pa naman akong naririnig na masamang kumento tungkol saakin as of now. Nakakatuwa laman isipin. Ngunit sino nga naman ang iba para baguhin ka kung ano ka? Para saakin ginagawa ko nalamang guide ang mga kumento at “guage” ko kung ano nga ba ako. Bata pa naman ako, “kumbaga marami pa naman akong kakaining bigas”. Kaya naman hindi hindi ko makakalimutan ang isang turo saakin ng aking ama, “ A wise man learn from other people’s mistakes not from his mistakes” tama nga naman, bakit ka gagawa ng isang pag kakamaling pwede mo naman ibase sa maling nagawa ng iba.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento